Posts tagged ilovefoodmuch.

I miss my bb Nika. :( 

01/28/12 | Seniors’ Ball. <3

Meet the people who made my night memorable. :)

I can’t put everyone here. Soooo, yeah. There, late post. ~

01/20/12 | @ Coffee Academy with Nika/ilovefoodmuch, Jem/fluffyjemimah, Roselle/untamedsmilesandfears and Ferddie/thepictureindisguise. <3

With the soon-to-be Iskolar ng Bayan!!! Hihi. We had this mini-celebration for all of us passing and me being allowed to study in Diliman! And the fave Cookies and Cream on the go. :) Oh this day.. <3

And I’m getting better. :) Cheers for my recovering heart!!

Just formally met my future boyfriend today. :”>

Si Mapua.

lolololol grabe, dream school. <3 

Anyway, just got hooooome. And I ain’t gonna let anything destroy my mood. <3

Meet them. :) Nakasulat sa mga kamay nila ung URL. XD 

Cutieee! :> Hello! :)

(via ilovefoodmuch-deactivated201201)

Ako pa ba kaya ang nasa puso niya?

Di bale na lang kaya. Ngunit mahal ko siya..

kanta po sakin ni @ilovefoodmuch.

Mali pala kanina. Sorry. XD

11/23/11. The best day I’ve ever had. <3

Eh, I need this on my blog. :)

@ilovefoodmuch

 

-tearsthataintcoming replied to your post: I wish girls and boys could hug each other without people making a fuss about it.
oh yus. para pasimple din akong makakachansing XD

IKR. Swertemo lang kung close kayo ng gusto mo. :”> HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA

ilovefoodmuch replied to your post: ilovefoodmuch answered your question: Aanhin mo…

iPM mo. Pag di pa ngreply, wala. Manhid na yon. :P

Hindi talaga siya magre-reply. Promise. :) Tsaka tulog na yun by nooow. ~~

ilovefoodmuch answered your question: Aanhin mo ang..

Edi paload mo sya. :P

May load yun! Di lang talaga nagt-text. Asdyvckerbv.

ilovefoodmuch replied to your post: The best

Dinelete ko ung post. XD Turuan mo kng mgreply, dali. :))

First, you copy the blue thingy sa Dash mo, katulad nung sa taas. :)

Then, paste it sa tumblr.com/new/text :)))))))))))))))))

Le duh. 

ilovefoodmuch replied to your post: definitelynotyourstory replied to…

Oy, pano nyo gnagawa yan? =

Kasi, ganito. Diba pag may reply sa post mo, may lilitaw sa dash mo. Copy mo yun, tas paste. Tas ayun mag reply ka na sakanya. XD :)))))


definitelynotyourstory replied to your post: definitelynotyourstory replied to…

Gets na sis.Thank you =)

Sure, NP. Anytimeeeeeeeee! ;)

Filipino Story: Meron pa pala.

This is the longer version of my Filipino Story that our teacher wanted us to write. I may revise this to english, though. So, for the ones who requested, here it isss.

Ako si Danica, maglalabing anim taong gulang na sa susunod na linggo. Wala kang makikitang bahid ng tuwa o pagkasabik sa aking mga mata. Para sakin, ang aking kaarawan ay nagmimistulang pruweba lamang na wala ng nagmamahal sakin dito. Ang aking magulang ay nagta-trabaho sa Maynila na isang beses lamang sa isang buwan nakakauwi. Hindi naman kami naghihirap sa buhay ngunit ako lamang ang nagaalaga sa aking nakababatang kapatid.

Dumadaan ako sa matinding kalungkutan dahil nga sa pagkalayo ng aking magulang. Hindi ko man ito pinapakita sa kanila tuwing sila’y umuuwi,di naman ito nawawala sa aking kalooban. Ayaw ko lamang na iwan pa ng nila ang kanilang magandang trabaho sa Maynila, dahil lang sa ayaw ko sila nalalayo sakanila. Alam kong ang ginagawa nila ay para lamang saming magkapatid kaya hinayaan ko na lamang.

Ayokong nakikita ng mga tao na ako ay mahina. Ayokong nakikita nila na ako ay nasasaktan at nalulungkot. Wala naman sila magagawa. Sasaktan lang din nila ako kaya buti pang mag-isa na lang ako.

Ngunit dahil dito, sa eskwelahan ko inilalabas ito. Malungkot lang din ako sa tuwing nasa eskwelahan kaya madalas, di ako nakikisalamuha sa ibang tao. Natatak na sa ibang tao na ako ay mataray o masungit dahil nga sa di ko pagkausap sa mga tao. Ako yung tipong ng tao na habang silang lahat ay nagsasaya, ako ay nasa isang sulok lamang, nagbabasa at tahimik. Ngunit naalala ko noon..

Meron noong isang lalaki na sinusubukan na kausapin ako. Hindi ko siya pinapansin noon, lagi ko siyang tinatarayan at iniirapan. Tinanggap na lamang ng lalaki ang aking pagtataray at madalas na di pagsasalita.

“Bakit ba di ka pa din tumitigil, ah? Di ka pa nagsasawa sa pagtataray ko? Kasi ako, sawang sawa na!” pasigaw ko itong nasabi nang minsan nadatnan ko siya sa aming silid aralan, sabay ng pagdaloy ng luha sa aking mga mata na pilit kong pinunasan gamit ang aking mga kamay.

“Kita mo, alam ko hindi ikaw ang babaeng wala nang ginawa kundi magtaray. Nakikita ko diyan sa mga mata mo na may dahilan lahat ng ‘to. Gusto kita makilala.. kung papayagan mo lang ako.” Nagtitigan kami habang siya’s papalapit nang malapit na siya dumuko na lamang ako. 

kinuha niya ang aking kamay at nilagay ang kanyang panyo.

“Di pa rin ako titigil.” Kanyang sinabi at lumabas na nang aming silid.

Pero dahil sa nakita ko na kumpiyansa na meron siya.. upang ako ay talagang magsalita na. Nang minsan nadatnan ko siya sa sild namin ulit, umupo ako sa isang upuan sa likod. At ako ay nagsalita..

“Alam mo,” Siya ay di lumingon sakin nguit alam ko siya’y nakikinig na. “..di ko naman talaga gustong magalit skain lahat ng tao. Ayoko lang sila na masaktan ko o kaya ako naman ang masaktan nila. Natatakot lang ako sa maaaring mangyari kaya ako na ang umiiwas..”

Matapos nito unti-unting nagbago ang kilos ko sa paligid niya. Sakanya ko lang nakwento ang tungkol sa aking magulang, kung bakit ganoon ako sa eskwelahan. Samakatuwid, ako ay naging ang tunay kong sarili kapag kasama siya. Nasasanay na ko na mayroon akong nakakasama araw-araw. 

Isang araw, narinig kong nagsisigawan sila ng mga kaibigan niya.

“Bakit ba lagi na lang yang babaeng yan ang kasama mo?!”

“Bakit ba? Huwag niyo nga ako sabihan, di niyo naman siya kilala.”

Natuwa ako sa sinabi niya. Nakilala na pala niya ako sa maikling panahon na naging kaming magkabigan, ngunit ayokong kailanganin niya pa mamili sa pagitan namin. Tama na ang pinaramdam niya sakin magkaroon ng kaibigan. Kaya nang lapitan niya ko, hindi ko na siya pinagsalita pa.

“Huwag ka nang lalapit sakin. Ayaw na kitang makausap, lumayo ka na.”

Masakit man din pero para naman sakanya ang aking ginawa kaya ayos lang.

Kaya ngayong malapit na ang aking kaarawan, wala na akong inaasahan na magpapasaya o gagawin itong espesyal. Ako na naman ay nilamon ng pagkalungkot at pagiisa. Bumalik na sa normal ang aking buhay, kasama ang aking kapatid sa bahay. Walang kasama sa eskwelahan, at tila galit sa buong mundo.

Pasgpasok ko sa araw ng kaarawan ko, wala namang bumati sakin. Andun pa rin sa aking mga mata ang pagakairitang, alam kong nakikita nilang lahat. Yun na lamang ang pwede kong ipakita para di nila maaninag ang lungkot na nadadama ko. Ipinagpatuloy ko ang araw na parang wala lamang ito sakin. Nang matapos na ang ang huli naming klase. Kinuha ko na ang aking mga gamit at lumabas ng silid namin.

Nakita ko siyang nakatayo sa aking harapan, may hawak na regalo at isang pirasong papel na ma nakasulat “Maligayang Kaarawan, Danica! :)”. Lahat ng mga tinago kong emosyon ay nawala, aking napagtanto.. Walang mangyayari sakin kung palalayuin ko na lamang ang tanging taong nakakaintindi sakin. Naisip kong ako’y nagkamali. Ako ay naglakad papalapit sakanya at aking siyang niyakap. Sabay niyang binulong.

“Maligayang kaarawan, Danica. Huwag mo na ko papaluyuin ah? At wag ka na din malungkot. Araw mo ito e.”

At sa loob ng mahabang panahon, nun ko lang naramdaman ang sarili kong muling ngumiti. Aking siyang tinitigan at nangakong di ko na muling gagawin iyon. Meron pa din naman palang nagmamahal sakin dito. Meron pa.