People of my 2012 | JDMP (plus the baby APEER) ♡
Oh, my girls, 2 words: for life. :>
People of my 2012 | JDMP (plus the baby APEER) ♡
Oh, my girls, 2 words: for life. :>
01/28/12 | Seniors’ Ball. <3
Meet the people who made my night memorable. :)
I can’t put everyone here. Soooo, yeah. There, late post. ~
11/23/11. The best day I’ve ever had. <3
Eh, I need this on my blog. :)
Movie Marathon with Joey, Micah and Pau. <3
Blogging from Joey’s. Hihihihihi
http://stilladamselindistress.tumblr.com/private/11463841997/tumblr_lt37pdjMQ81qbn2sm
:)
I know it’s like half a month late.. but better late than never, right?
Thank you, everyoneeeeeee! :>
Joey, Pau..
Micah, soo.. teka magkkwento muna ako.
Edi kasi night before nung Aguman Review, syempre excited ako kasi gagala tayo. Tapos natulog akong maaga.
Tas kagising ko daw, pumunta ako sa school tas nakita daw kita kasama mo si Pau at Joey. Tas hinug kita. Ewan ko, matagal ko na pinaplano yan e. Kaso kasi, pag nakita ko na ang mukha mong mataray na mukha, e, nakakalimutan ko. Natatakot pa nga ako e. Tapos yun daw, sabi mo buti lumapit na ko. Tas okay na daw tayo at nagpicturan tayo sa 30-inch! Tas..
Nagising na ko. </////3 Edi, nagiiyak ako ngayon. Kasi akala ko tapos na yung stress na ‘to, diba. Kaya medyo bangag ako nung review nun e.
Taaaas, yun gusto kitang kausapin e. Kaso kaso baka mabadtrip ka. alam mo yun? Magkakasama na kasi tayooo, ayoko ng sirain.
Oh, balik na sinasabi ko. Eh, iniisip ko kasi lahat ng nangyayari ngayon. Eexplain ko lang yung side ko, okay?
Hindi ko kasi gets nun ba’t ka nagalit. Naguusap kasi tayo, tapos binukas mo yung topic na yun. Sinabi ko lang naman yung totoo kaysa naman magsinungaling pako. At alam naman nating lahat na, hindi uso satin ang ganun. Prangkahan kung prangkahan diba? Wala naman ako sinabing maghiwalay kaya nun e. Oo, ayoko siya. Ayaw namin siya. Sinabi ko lang naman.
Pero, di ko naman siya jinjudge kagad. Nkakausap ko naman siya (text) kaya kilala ko naman siya. Nagsshare din ako sa kanya nung second year e. Kaso nafeel ko na nga na ganun siya. Kaya, masasabi ko naman na kahit konti may basis yung mga sinabi ko.
Tsaka di ko alam kung binasa mo pa yung mga susunod kong sinabi o ano, sabi ko naman kasi.. pero kung gusto mo talaga siya. Edi siya, tatanggapin na lang namin at handa pa din naman ako makinig. Alam ko, hindi din naman magaling at masasabing matino sa love life pero, kahit naman ayaw niyo.. tatanggapin ko lang. Opinyon niyo yun diba?
Yun nga yung maganda sating apat e. Iba-iba ang tayo at pananaw sa buhay pero iniintindi natin isa’t isa. Tignan mo, kung gaano tayo kagaga sa love life.. ganun katino si Joey at Pau. Kung gaano sila kasipag, ganun tayo katamad. Kung gaano tayo mahilig sa kung anu-ano, ganun sila ka-boring. (Nyenyenye. XD) At kung gaano tayo kaganda, sila, ano. (Loljks, Pau Joey. :)))) Maganda pala tayo lahat. <3 XD)
Sooooo, ang sinasabi ko lang. Nasaktan din naman ako na nagalit ka na lang sakin ng ganun-ganun. Okay. Kasi nga, kung yung kaprangkahan ko ang problema, sa tingin ko, sanay na kayo dun dapat. Alam mo yun?
At nung mga panahon na yun, namo-moblema nga ako dahil sa di pagtanggap sakin ng tao. Tapos, biglang pati ikaw, na isa sa mga pinakamamahal ko, di pa din tanggap ugali ko. Di ko alam kung ganun na ba kasama ugali ko para magalit kayong lahat sakin. Sa bahay din, di ako tinatanggap. Tapos, tanging room niyo na lang (electron) ang safe na lugar sakin tas may 1 pa kong iiwasan. Kamusta naman?
Kasi sa tingin ko nakikita mo naman halos every week, umiiyak ako sa room niyo. Actually, 2 weeks ago. mon-thurs ako umiiyak dun. Sooo, ewan ko. Kaya konting pagkaoffend lang o kaya masaktan lang ako. Naka-intensify. Yung lagi na lang ako nasa verge of crying.. of breaking down.
Oo na, tinatawag na nga akong Emo e. Hee. So anyway, nuff about me. So,
Sorry na kung nasaktan kita sa mga sinasabi ko. I never meant to hurt you. K. Ikaw pa, sorry talaga. Eh, kami kasi ang nadadala para sayo. Kasi kakatapos mo lang sa isa. Tas yung isa, hindi ko alam kung natapos na talaga. (which I hope, hindi pa talaga. :>)
Attt, madami pa kasi akong kkwento sayo, diba. At alam ko, ikaw din. Minsan nga nakatype na ‘ko sa chatbox tas maaalala ko na lang, di pala tayo naguusap ngayon. So, delete - exit na lang. So, yun. Dapat in person ‘to e. Kaso, hindi ko naman to masasabi ng matino in person.
So, eto na talaga, sorry. Love ya! Super miss youuuuuuuu!